Sabi nila, masama daw naidudulot ng fraternity sa buhay ng isang tao, puro daw kasamaan at kagaguhan matututunan mo..
sabi ko naman..
..
talaga? eh dahil sa kanila..
-natuto akong huwag iwanan ang isang taong nangangailangan
-natuto akong maawa sa isang tao
-natuto akong maging matatag at matapang
-natuto akong maging disiplinadong tao
-natuto akong tumayo sa sarili kong paa
-natuto akong ipaglaban ang tama sa mali
-natuto akong huwag manakit kapag walang rason
-nagkaroon ako ng isang salita sa mga binibitawan kong pangako
-naging active ako sa community service
-natuto akong irespeto ang isang taong nagbibigay respeto
-natuto akong magpakatotoo
-at madami pang iba..
..ilan lang to sa mga natutunan ko sa kanila, hindi dahil sa kung anong grupo na meron ka or sa kung anong kaibigan meron ka kaya ka nakakagawa ng mali, Desisyon mo ang magpapatakbo sa buhay mo, kung hindi ka nagiisip, talagang mali ang magagawa mo.